unang araw ng Kuwaresma na ginugunita sa pama-magitan ng pagpapahid ng abó sa noo pagkatapos magsimba
se•ní•sa
:
abó1-3
Mi•yér•ko•lés
:
ang ikaapat na araw ng isang linggo, sa pagitan ng Martes at Huwebes
de-
1:
unlaping pambuo ng pang-uri at nangangahulugang may-roon, nakasuot, o gumagamit, karani-wang ipinapalit sa naka-, hal de-kotse, de-koryente, de-kuwerdas
2:
gawâ sa, hal de-lata, de-goma
3:
unlaping pambuo ng pandiwa at nangangahulugang a tanggalin, ilayô mula sa, o malayô hal deport, dethrone b pababâ, hal degrade, demote c gawin ang kabaligtaran, hal decompose, de-moralize d lubusan; ganap, hal deplore, declare
De pro•fún•dis
:
dasal para sa patay
de luxe (de laks, de luks)
1:
mataas na uri
2:
may taglay na luho
de facto (di fák•to)
:
umiiral sa realidad, mayroon o wala mang legal na karapatan o pahintulot
de jure (di dyú•ri)
:
may karapatan; ayon sa karapatan
tour de force (túr de fórs)
:
katangi-tanging lakas, galíng, o ka-kayahan.
ka•bé•sa de ba•ra•ngáy
:
noong panahon ng Espanyol, pinunò ng nayon na binubuo ng 50-60 mag-anak
ná•ta de coco (ná•ta de kó•ko)
:
malambot at parang helatinang pagkain na nabubuo sa pamamagi-tan ng pagburo sa tubig ng niyog
Cagayan de Oro (ka•ga•yán de ó•ro)
:
lungsod sa Misamis Oriental at kabesera ng lalawigan
Fló•res de Má•yo
:
pagdiriwang tuwing buwan ng Mayo na tinatampukan ng pagbibigay ng bulaklak bílang parangal kay Birheng Maria
alyas na ginagamit ng isang tao sa pakikilaban o sa iba pang gawain
joie de vivre (zwha de viv)
:
ligaya sa búhay
Ve•nus de Mi•lo
:
klasikong imahen ni Aphrodite na tinatáyang ginawâ noong 100 BC, itinuturing na pinakatanyag na sinaunang eskultura, natagpuan sa Griyegong isla ng Melos noong 1820, at nása museong Louvre sa Paris, France ngayon
pa•láb•ra de ho•nór
:
pa-ngako na kailangang tuparin at nakatayâ ang pangalan
feu de joie (fyu de zhwa)
:
pagpupugay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga baril
ka•dé•na de a•mór
:
baging (Antigonon leptopus) na may malakíng habilog na dahon at may ukit ang mga gilid, may mga bulaklak na nakapumpon sa bawat tangkay, kulay mapusyaw hanggang matingkad na pink, katutubò sa Mexico at malaganap ngayon sa buong Filipinas, may mga variety na inaalagaan sa hardin at may mga bulaklak na kulay putî hanggang pink
Acta de Tejeros (ak•tá de te•hé•ros)
:
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros
juez de paz (hwés de pás)
:
noong panahon ng Espanyol, tao na karaniwang itinalagang hukom sa isang pamayanan
interpreter ni Fernando Magallanes, sinasabing katutubò sa Filipinas
dama de noche (dá•ma de nót•se)
:
halámang ornamental (Cestrum nocturnum) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahali-muyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika
cabo de vara (ká•bo de vá•ra)
:
bastonero2
tribunal de consulado (tri•bu•nál de kon•su•lá•do)
:
no-ong panahon ng Espanyol, tribunal na binubuo ng mga mangangalakal na nagpapasiya ukol sa mga bagay sa pangangalakal, obligasyon, at kontrata.
kapatirang panrelihiyon na itinatag ni Apolinario de la Cruz na inusig ng mga fraile kayâ nag-alsa
Legaspi, Miguel Lopez de (le•gás•pi mi•gél ló•pes de)
:
1510-1572, matagumpay na kongkista-dor na Espanyol at unang hinirang na gobernador heneral ng Filipinas.
Cabo de Buena Esperanza (ká•bo de bu•é•na es•pe•rán•za)
:
Tangos Buena Esperanza
Don Tiburcio de Espadaña (don ti•búr•si•yó de es•pa•dán•ya)
:
tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina
Rio Grande de Mindanao (rí•yo grán• de de min•da•náw)
:
pinakamalaking ilog sa katimugang Filipinas, umaabot sa 320 km ang ha-bà, nagsisimula ito sa hilagang sila-ngang Mindanao timog ng Butuan at tinatawag doong Ilog Pulanggi, du-madaloy ito upang sumanib sa Ilog Kabacan at nagiging Ilog Mindanao. Mula sa kabundukan, nagiging sentro ito ng malawak at mayamang lupain sa timog gitnang bahagi ng Mindanao hanggang magtapos sa Golpong Mo-ro